 |
Thursday, May 24, 2007
ordinary day with extraordinary friends...
My supposedly ordinary Wednesday turned out to be an extraordinary day after spending it with Lhen and Rommel. I went to Rommel's place just for the sake of going out actually. I feel bored at home without doing anything plus I had this longing to see my friends again.
So anyway, I texted Lhen last Monday to tell her that I'm going to Meng's place and that if she's not busy, she can come with me. Ang awkward naman kasi kung mag-isa lang ako. At ang mommy ko nakakatawa ang reaction when I told her where I'm going.
mommy: mag-isa ka lang?
me: opo. bakit?
karizza: natatakot kasi si mommy.
me: duh! hello! kami ni rommel?
So I went along because Lhen didn't confirm that she's free. But the moment I texted her where am I, she was surprised and she said that she didn't receive any text from me and that she's coming right over. yey!
And there we were talking about the childish things and how things were so much different when we were in high school. Rommel seems to remember a lot of mundane things we did and how stupid they were.
Pati cartoons nung unang panahon pinag-usapan na namin at syempre, ang isa sa aming favorite topic, the ken-lhen moments. hehehe! It's fun reliving those memories where all of us were affected because this girl likes this boy but this boy "doesn't like" this girl. whatever.
It feels good to sit beside someone who knows you a lot and will never judge you. Almost eight years of friendship and we still haven't changed. We're still those 16-year-olds who loved to watch animes, magpunta sa bukid at tumakas papuntang Manila... we're still the teenagers who discusses about love and make bets on who will have a relationship first and who will have a family first.
Nakakatawa kasi after graduation we had this bet that among the four of us (ken, me, lhen and rommel) I'll be the one to get attached first. Pero hindi pa rin ako natatalo ha. hahaha! In the first place I never felt anything serious towards anyone yet. Ngayon binigyan na naman ako ng deadline, after six years, I'll be married na daw. Hmm... Let's see.
I love being with them. Though we haven't seen each other for ages because of school, wala pa ring nagbabago. Parang kahapon lang kami huling nagkita at hindi last year or two years ago. It's so easy to catch things up and it's so easy to say everything without fear of being misunderstood.
After yesterday's meeting, I'm planning to see them again. Hopefully, Ken will be there. Kahit na walang closure ang aming debate kung sino ang dapat manlibre. hehehe! Pare-pareho kasing bankrupt pero pare-parehong guilty dahil hindi nakapagcelebrate ng birthday ng magkakasama. Sabi nga ni Rommel, "Next time na lang. Wala akong pera. Pagmamahal na lang." ang hanep!
Posted at 05:53 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Thursday, March 15, 2007
Christina and Meredith Love!
Posted at 07:19 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Tuesday, March 13, 2007
hay... katatapos lang namin mag-rehearsal sa
auditorium. nakakapagod! nawawala pa rin ako sa mga linya ko tapos yung
act II di ko pa memorize... sa March 23 na yung play, patawarin
talaga... inaasikaso ko pa yung Investigative Journalism namin... iiyak
na talaga ko.. supposedly, two weeks na lang kami, hanggang sa 23 pero
pakiramdam ko hindi namin kaya tapusin lahat. kulang ang two weeks!
nagta-type
ako ngayon ng thesis pero segue muna ng konti dito sa friendster. ang
sakit na kasi ng ulo ko eh. tapos may meeting pa kami ngayong 7:30 sa
adviser namin. ano kaya mangyayari? wala kasi kaming alam.. expect the
unexpected ito.
hindi pa pala ako nagpupunta sa mga scheduled
exam and interviews ng call center kahit ang dami na nilang tumatawag
sa kin! hehehe! wala talaga akong time. yung isang araw na itatagal ko
sa loob ng exam at interview, isang buong araw ng rehearsal. hindi
naman ako pwede mawala kasi isa ako sa mga major characters. baka
bombahin ako ni Dave. pa'no na ang future ni sister? kelangan
makapagtrabaho agad para makapasok si Kaye next semester.. uhm, may
lubid ka ba dyan? pahiram naman o. joke lang! napa-praning na ata ako!
:)
lovelots,
BANG (kayo na bahalang mag-isip kung bakit BANG o kaya baka may sumagot din kung bakit yan.. hehehe! BANG! BANG! :P )
Posted at 05:46 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Wednesday, March 07, 2007
ang gulo ng mundo ko ngayon... sabay sabay ang mga projects at
submissions... nakakapagod. ngayon talaga araw-araw na kami nagkikita
nila joy, rai, len, dave at ela. hehehe! nagkakasawaan na yata kami eh.
grabe, kahit may tonsilitis eh dapat pa rin mag-practice for the play.
ang sakit na ng ulo ko kaka-memorize. ang haba pa ng dapat sauluhin. matagal
na pala ko di nagpo-post. hay.. dati hindi lumalampas ang isang araw na
hindi ako nagsusulat or nagpo-post pero iba na ko ngayon. sa sobrang
pagod parang ang gusto ko na lanh ay matapos ang isang buong araw para
makauwi at kumain at matulog... ganun. I
only have 6 days to write my last column for the Blue and Silver.
hay... it seems like yesterday when I was so excited to write my first
column and now here I am, pondering on what to write for the last time.
nakakalungkot. ang
bilis ng araw, linggo, buwan at taon... nung January, I was counting
how many meetings I have with my PE class at tomorrow ay last day na
namin sa PE. grabe...23 days na lang graduation na... after
that I'm officially out of school, though that is a breath of fresh
air, ang sakit pa rin tanggapin. maghihiwalay na kaming lahat... as in
lahat... hindi ko na sila makikita. kahit na merong constant
communication, syempre, hindi na rin magiging katulad ng dati... marami
nang moments na mami-missed ko. ano ba yan, minsan na lang ako
mag-post ang drama ko pa. hehehe! anyway, these past few days pala ay
addict ako sa youtube. kung nung January, Sailormoon ang lagi kong
pinapanood, ngayon eh puro Whitney Houston videos naman. grabe, can't
get over her talaga! I love Whitney! She's the best for me... sayang
lang talaga kasi gumamit sya ng drugs. but I heard she'll be back this
year! yey! sana maging maganda ang pag-receive sa kanya! excited na ko!
syempre,
nag-burn muna ko ng Grey's dito bago kami umuwi.. nagpadala kasi si ate
Doris ng cds eh. nakakahiya talaga sa kanya kasi inaabala ko sya.
hehehe! heart you ate D! thanks talaga! pati
mommy at sisters ko addict na rin. lagot ka! hahaha! Mark Sloan forever
talaga ko! tsaka PresTina. hehehe! tapos syempre MerDer... uhmm..
exclude na si Alex at inis talaga ko sa kanya! ayan! baka pag nabasa
to ni Joy ano pa sabihin.. mahal nya si Alex eh! hahaha! got to go!
Posted at 07:54 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Thursday, February 15, 2007
ang mga pangyayari sa mga nagdaang araw...
so I am alive... thank God. My
world has been crazy these past few days with all the exams and
projects given by our dear professors hindi nakapagtataka na mabaliw kami. grabe,
nakakapagod talaga.. pasaway pa ang ibang prof.. hindi ko na alam kung
saan magsisimula ng aking kwento sa totoo lang... hehehe! isa-isahin natin...1.
Pastor Perez passed away two weeks ago. I know I should have blogged
this the moment I knew it but I guess the truth hasn't sink on me yet.
But now, I realized that from the moment that he died, I won't see his
face again. Wala
na kong babatiin ng "Good morning po!" tuwing umaga at wala ng babati
sa akin na, "Ingat ka!", "Late ka na yata ha!" at "Ang laki-laki mo
na!" I met him when we transfered to Cavite in 1993. Pastor sya ng Unida Church tapos yung mga kids sa street namin in-invite nya mag Sunday school. Since then every Sunday pumupunta kami sa bahay nila para mag-bible study. I can say that my life won't be the same kung hindi ako naka-attend dun. My childhood was comprised of bible study, pagpunta sa bukid, paglalaro at pakikipagkwentuhan sa mga kalaro ko... ganun lang. I had a normal childhood. Nadadapa ako, napapalo, napapagalitan, umiiyak, nagagalit at nagawa ko na din makipag-away. Tipikal na bata talaga. For fourteen years, nakita
ni Pastor kung pano kami lumaki at naghiwa-hiwalay. Kung paanong
tumigil ako sa pag-attend ng bible study at kung paano ako nagbago. But amidst all those changes, he is still the same sweet old man who treated us with candies. Nung Christmas lang binati pa nya kami. I'm sad because I wasn't able to go to his wake. vices. Hindi ko naman kasi ine-expect na mawawala na talaga sya. Sobrang bait nya at wala syangKaya nung nalaman ko na he was diagnosed with lung cancer, he fought a good fight... sobrang nagulat ako..sya yung naging lolo ko at kami ang naging apo nya. Since his demise, naninibago pa rin ako. Everyday tumitingin pa rin ako sa tapat ng bahay nila at parang nai-imagine ko na nakaupo sya dun at nagbabasa ng newspaper... he'll smile at me and I will greet him. At tatanungin nya ko kung bakit ganong oras na ko umalis ng bahay... My mornings won't be the same again without lolo pastor.. I love you lolo... 'till we see each other again... 2. Pinagpipilitan ng mga classmates ko that I should play the role of the whore in our University play! Utang na loob naman! Pakiramdam ko tuloy eh ako lang ang may future maging whore. hehehe! Ang kulit nilang lahat... sabi ni Ate Doris, I should grab the opportunity kasi challenging talaga yung role. Ang problema naman kasi eh yung costume. patawarin.
Hindi talaga ko pwede magsuot ng maikli dahil sa totoo lang, hindi
maganda ang balat ko. So hindi ako pwede mag-bare ng skin. Ayun. Bahala
na nga. Ngayon lang nakuha ang script. bahala na si Dave magsabi kung ano ang role ko. tsk. Bless me Lord. 3. Valentine's Day. Wala akong date. Obvious ba? hehehe! But I received a red rose from a classmate. I'm thankful naman hindi ko lang nasabi na thank you dun sa nagbigay. Enough said. 4. I spent Vday at home. I cleaned our room and I watched DVD... phone nakipag-chikahan sawith ate Doris nang may biglang tumawag sa globe phone ko. Teledevelopment daw. Call center yun na nagpunta nung jobfair dito sa school last week. Nagpa-register lang akopero hindi ako nakapunta sa fair dahil sa traffic! Ayun, phone interview agad
and she said that the job offer will stand until I graduate in March.
I'm torn between my dream and my responsibilities. I know that it is
hard to enter in a broadcasting company and in a newspaperSa totoo lang, hindi ko alam ang dapat gawin.. Pero syempre, I want to have a work related to my course. Kaya lang syempre pag starting ka pa lang, mababa talaga ang sweldo compared sa call center. Sa totoo lang, wala naman akong choice eh. I have to pick the work na may bigger salary because I have to support my sister next semester. Sa state ni daddy ngayon, for sure ako ang magpapaaral kay Kaye. Pero yung feeling na wala dun yung heart mo,
ang hirap talaga. Nakakainis. Kung naging mayaman ako siguro hindi ako
nag-iisip ng ganito. Buti na lang at ang daming anghel sa paligid ko. Stepping stone lang naman ang call center eh. Working experience. hay... 5.
We are starting to work on our last Blue and Silver issue this semester
and I don't like this feeling of sadness. I never imagined that I'll
reach this point. I've mentioned this so many times in my blog Yung ako na ang magpapaalam.pero iba na talaga yung feeling ngayon. Masakit na talaga sya. Tsaka na-realize ko na how time flies... newswriting dati wala akong alam kahit ano saat hindi kami nagsasalita ni Raisa sa meetings. Tapos umalis sila ate Dian at kahit pano nag-evolve na kami ni rai. Naging madaldal na pero hindi pa kami masyadong attached.
Then all of a sudden, we were holding the positions of the former
editors and we are managing the paper! We facilitated the meetings, we
defended our stand and we protected each other. There were the missed
classes because of everyday meetings and there were laughter and tears.
Mula
sa buto na itinanim noon, eto na kami ngayon. Malagong puno na at
maraming bunga. Panahon namin noon na bumuo ng isang pamilya at ngayon
panahon na nila Maanne, Reinier, Joanne, Thea, Daders, Abi at Meiji na
bumuo ng sa kanila. Marami pa kaming gustong ituro sa kanila. Marami pa
kaming gustong gawin pero konti na lang ang oras... siguro nga we just have to make the most out of the time that we have now.Sana maging masaya din sila pag wala na kami at sana maalagaan nila ang BnS gaya ng pag-aalaga namin dito. I know deep inside my heart that I will them terribly. Bakit parang ang lungkot ko 'no? Minsan na nga lang ako magpost, ganito pa. tsk. At
yan ang kabuuan ng ating balitaan sa araw na ito. Maraming salamat sa
inyong pagbabasa. Magkita-kita tayo uli sa aking susunod na blog entry. hehehe! ciao!
Posted at 08:22 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Friday, February 02, 2007
a very heartwarming AI audition...
I really regret not being able to watch Americal Idol last Wednesday and Thursday.. I saw the report on Yahoo! about a very heartwarming audition on Los Angeles about a 64-year-old man who collected signatures to allow him to sings infront of the AI idols. This is really very touching. You'll be the judge... I love this guy. He is really a winner. 
Sherman Pore's very touching AI audition
Posted at 01:19 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Tuesday, January 23, 2007
Almost Cinderella 
I have been a total fool Believing that fairy tales do come true I wanted to be Cinderella To meet my prince Who will sweep me off my feet Who will keep my glass slippers Who will admire my ball gown Then you came into my life I thought that everything will be fine You gave me all those wonderful things Whisper the sweetest words Sing the songs of forever You took my heart and my soul I gave you everything Without a doubt I love you with all of me But then I realized that There's nothing like a fairytale No happy ending for you and me For your love was all lies Without a doubt You used my love You betrayed my trust You destroyed my life Now my fairytale is forever gone I lost my love I lost my dream And I'm almost Cinderella.
Posted at 04:11 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Monday, January 15, 2007
si sailormoon, si bree, si gabby at ang mga ka-grupo ko...
Wala lang. Naisip ko lang magpost. As usual, hindi ko na naman nasunod yung promise ko na mag-update as much as possible. Hay... wala lang talaga akong gana. Mas gusto ko pa umupo, manood ng Sailor Moon sa Youtube (oo pinapanood ko sya kasi favorite ko yan nung bata pa ko) at bigla ko naalala ang mga kalokohan ko dati dahil dyan. Infairness, hindi lang ako ang masyado nabaliw sa Sailor Moon kasi I have friends now na naaalala pa ang walang kamatayang powers at tansformation ng sailor scouts. Ayun. Kilala ko pa silang lahat. Pati mga powers at transformation. Everything about it. hehe!
Hehehe! Natutuwa lang ako kasi it's as if I'm back to being 7 years old again. From start to finish eh pinanood ko talaga yan. Umiiyak pa ko dati pag aalis kami ng Saturday kasi baka hindi ako umabot sa oras. Hehehe! Naging desperado pa ko no'n, pinipilit ko si Daddy na bumili ng portable TV. Ayun, awa ng Diyos, 21 na ko pero wala pa rin ang TV at wala na ang kotse namin. Hahaha!   I'm so into Desperate Housewives pala! Yay! I love Gabrielle and Bree! Wohoo! I finished season 1 last night at grabe, sobrang bitin! I know na super late na ang pagwatch ko nito pero feeling ko naman eh makakahabol pa ko! Then I want to watch Grey's Anatomy din. Patawarin talaga ako. Sa dami ng commitments ko sa buhay, nagagawa ko pa manood ng DVDs. Galing. Medyo kainis din pala sa school kasi halos lahat ng projects eh AKO LANG ang gumagawa. Minsan na nga lang ako humingi ng pabor sa mga ka-grupo ko, parang hirap pang pagpaliwanagan. There was this girl sa Humanities class ko, ang sabi ko, "sige kahit sa internet ka na lang humanap ng Art Principles and Theories.
Sana 2-3 pages per theory ha then tigta-tatlo tayo ng hahanapin." As syempre, dahil sa hindi malamang dahilan eh 1 page lang ang binigay nya sa kin at wala pa dun yung hinihingi ko. I'm not being conceited here, kaya lang parang nakakainis naman na simple lang na bagay hindi pa magawa ng matino! Tapos yung isa naman, pinapapunta ko sa library para humanap ng book reference. Nauna ako pumunta dun tapso nasalubong ko sya. Nagtanong, "Classmate, nagre-research ka na?" syempre, obvious naman di ba? Sabi ko ipadala nya sa email ko yung mata-type nya. Pero dahil tinatamad ata sya eh nag-email sa kin na magbabayad na lang daw sa gastos dahil wala sya makitang books. Hello! Ako kaya may nakita! Naku talaga.... Kaya ayoko pag hindi kasama sila Joy sa project eh. Kasi naman, bakit ba nagkaganito ang subjects ko. Kung nag-full load ako nung 2nd year eh di ok na sana.
Ayan, puro reklamo tuloy ako. Pati sa major nakakainis din! Kasi hindi kami magkakasama nila Raisa. Yung group ko is assigned to watch MUP. Ayun, apat kami pero ako lang nakanood kasi may mga OJT daw sila. Galing di ba? Ano kaya magiging input nila sa discussion tomorrow. Nakakapagod na. ayoko lang talaga mapahamak ang grades ko eh. Nakakapagod talaga. Napapahataw din pala ako sa PE class ko. Hanep, wala kang choice kundi sumundo sa galaw. Eh ayoko pa naman magsayaw. Nakakahiya kasi. Pero ngayon, bawal ang hiya kundi bagsak. Aerobic dance... amen... hehehe! So eto na lang muna. Parang walang kwenta lang naman yung kwento ko. Ano ba yan. Nood muna ko sailormoon ha.
Posted at 04:03 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Friday, January 05, 2007
masaya at magulong bagong taon...
Welcome New Year with a bang! The blue and silver is expecting the much-awaited complaint of the year! hahaha! Siguro naman hindi na ko bibigyan ng disciplinary action dito dahil blog KO 'to. Baka hanggang dito kasi ay habulin pa kami ng pampam na bampira! Sabi ko nga kay Rai, ang linya na lang dapat sa bampira ay, "Basta wag nya tayong sasalubungin kundi babanggain natin sya." *cue Sana Maulit Muli here* Anyway, sa dami ng mga nangyari nung December (i.e. professional issues that somehow turned personal, people who don't understand what a lampoon issue is...) hindi ko alam kung saan ilalagay ang sarili ko. Samahan mo na ng isang tao na hindi ko alam kung feel nya talaga ko kausap o wala lang talaga syang choice. Anyway, as of the moment eh hindi ko sya gusto kausapin. May meeting dapat kami ngayon pero nararamdaman ko, malakas ang vibration ko na canceled ULIT 'to dahil numero unong pasaway ang mga kasama ko. Nasasayang ang pera sa pamasahe at oras eh. Nakakabadtrip. Hindi ko alam kung saan ang direksyon ng buhay namin dito. Hay. The only consolation is, time flies so fast and by March, I will leave the B&S. Di ko na alam kung ano pa ang dapat maramdaman sa ngayon. masyado na nakakapagod ang maraming ginagawa. Hay, patawarin talaga... Anyway, kwento muna ko ng mga pangyayari nung Birthday ko, Christmas, Reunion at New Year... December 20 (My Birthday) Medyo kakaiba ang birthday na 'to for me kasi walang pumunta na friends ko. Mga busy kasi sila eh. Pero ok lang. No hard feelings. naks! hahaha! Masaya din naman kasi kahit paano nakagawa ng way sila mommy para magkaron ng handa kahit konti. I was super touched because Daddy bought me a cake. hahaha! Alam kong sasabihin nyong mababaw pero super happy talaga ko! Tagal na rin kasi since I had my own cake with my name on it. Ngayon na lang uli...   Aliw 'no? para akong bata... hehehe! Pero sa totoo lang ang tanda ko na! Gosh, I'm 21 years old! Ibang chapter na talaga ng buhay ko 'to lalo na ang malapit na ang graduation. yay! Pero hindi rin naman sa bahay lang ako nagcelebrate. I went to MoA and I met Rommel there. Medyo late pa nga ang drama ko kasi nakipagkita pa ko kay ate Em para kunin yung gift ni tita Emma kay Mommy then punta pa ko ng school para i-burn yung cd for ate Shiela. Anyway, so mga isang oras din naghintay ang aking paboritong kaibigan. I know na hindi sya nagbabasa ng blog but let me just say, "Thank you for spending my birthday with me.. I really appreciate it. Hindi mo lang alam pero pinasaya mo talaga yung araw ko. Love you Meng! Salamat na rin sa cake! Hehehe! Hindi ko naman pwede ilagay yun sa box ko kaya picture na lang. hehehe!"   December 25 (Christmas Day) I was super tired dahil ako lang ang gumawa lahat sa kusina nung Christmas eve. Mula sa paghihiwa hanggang sa pagluluto eh ako lahat gumawa. Ang aking mga butihing kapatid ay hindi ako tinulungan. Patawarin. Pero masaya naman ang Christmas. Ilang tao ang dumaan sa bahay para mag-greet ang "Merry Christmas po and Happy New Year!" *cue Christmas carols here* hehehe! Nakakaubos din ng pera pag nagbibigay sa carolers ha. Ang nakaka-depress pa, pumalpak ang leche flan ko! Hay... I have to try again... next time, I'll make it perfect. Grabe, sa dami ng alam kong lutuin, dun ako pumalpak. hehehe! December 30 (Sanchez Reunion) Ayan, minsan lang mangyari 'to at masaya sya! Kahit na kinda mainit sa Bulacan at medyo late sila Tita Flor, masaya pa rin. Sila Tita Emma, Kuya Jess at Ate Shiela kasama namin sa webcam. Boom tarat tarat sa harap ng webcam. hehehe! Tapos may price pa! Aliw! Tapos syempre, tulad nung mga bagay na ginagawa namin nung buhay pa si Mama Nenet, may paagaw din ng coins! Kahit malalaki na kami, yun talaga yung hindi nawawala. Nakamiss. Halos lahat kami naka-red. Si kuya Bunny pinagtripan nila Ate Candy, sya lang nakasuot ng green. hahaha! Last year kasi si kuya biniro sila Tita Flor, pinagsuot nya ng red, eh wala naman kaming color-coding last year. Kakaibang photo frame yung nakuha ko, yung maramihan tapos umiikot. Basta babasagin sya. Then si Ate Em-Em binigyan nya ko ng isang set ng Bob Ong books at Zsa Zsa Zaturnnah. Nakatipid din ako. hehehe! Yun request ko sa kanya kasi dun sya nagwo-work sa VPE eh.  December 31 (New Year's Eve) In fairness, may tumulong sa kin magluto at kahit last minute shopping ang ginawa namin ng mga kapatid ko, umabot pa rin naman. Wala kaming paputok masyado. Ayaw ni Daddy kaya lusis na lang. Ayun, konti lang tuloy. Pero I love New Year talaga kasi ang liwanag ng langit. I love watching fireworks. Colorful kasi. Tapos minsan lang yun. Pinuntahan ko rin si Jeff, yung bestfriend ko at nag-picture kami. hehehe~! Wala kaming picture dahil bihira lang kami magkita. As in. Once in a blue moon t alaga. Na-enjoy ko naman ang celebration. Grabe, ang lakas ko kumain! Feeling ko nga tumaba ako eh. Puro matatamis lahat ng tinitira ko. hahaha!   PS Nagkita kami ni Ate Judie at nahiya naman ako sa kanya kasi ang laki pala yung palstic bag na lagayan ng DVDs ni Ate Doris. Pinagdala ko tuloy sya. Tapos wala pa ko makwento na matino. Kaya sya na lang tinatanong ko. hehehe! Thanks ate Judie at pasensya na po... Ate Doris, thanks po sa DVDs. Iingatan ko yun, promise. Goodluck na lang sa akin. Patay ang Meralco bill namin. Patawarin mo ko mommy! hehehe! Isa pa pala, hindi kami natuloy mag-meeting! Tama ang prediction ko! hay... goodluck sa Blue and Silver. Ito muna ngayon ha... uwi na ko! Hinihintay kasi ako nila Dave eh. Baka pasabugin nila ko! hehehe! 
Posted at 06:41 pm by kryzzy finds neverland
Permalink
Tuesday, December 12, 2006
thanks to Ela for sending me the link. kahit na yung iba eh hindi ko kilala... hahaha! if you want to try it, you can go here.di ko ma-upload dito.. kaya link na lang din. KRYZZY'S Look-alike
Posted at 09:52 am by kryzzy finds neverland
Permalink
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|